Idinaos kahapon sa Nay Pyi Daw, Myanmar, ang Ika-7 Summit ng Kambodya, Laos, Myanmar, at Biyetnam. Sa magkakasanib na pahayag na ipinalabas pagkatapos ng summit, ipinahayag ng mga lider ng apat na bansang ito na sa ilalim ng integrasyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), dapat palakasin ng apat na bansa ang kooperasyon para sa mabisang pagsasagawa ng roadmap ng ASEAN Community, at plano ng ASEAN Connectivity.
Kaugnay nito, sinang-ayunan ng Kambodya, Laos, Myanmar, at Biyetnam na padaliin ang kalakalan, pamumuhunan, turismo, at transportasyon. Palalakasin din nila ang kooperasyon sa agrikultura, industriya, enerhiya, tele-komunikasyon, information technology, yamang-tao, at iba pang aspekto.
Salin: Liu Kai