Inilunsad kamakailan ng Divergent Microfactories (DM), isang kompanya sa San Franciscos ng Amerika, ang unang 3D-printed supercar na pinangalanang "Blade" sa daigdig.
Ayon sa DM, ang tsasis ng "Blade" ay ikinabit ng mga 3D-printed aluminum joint at carbon fiber tubing, kaya mababawasan nito ang polusyon sa kapaligiran.
May isang 700-horsepower bi-fuel engine na kapuwa gumagamit ng compressed natural gas o gasoline ang naturang supercar. 1,400 pounds (o halos 0.64 tonelada) lamang ang timbang ng buong kotse. At 2 segundo lamang ang kakailanganin para mapatakbo ito sa kabilisan ng 60 mile (o 96 kilometro) bawat oras mula nakatigil na kondisyon.
Salin: Vera