Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ganda ng ilang abandonadong lugar sa mundo

(GMT+08:00) 2015-07-03 16:39:05       CRI

Sa iba't ibang sulok ng mundo, may ilang lugar kung saan parang tumigil ang oras. Ang mga lugar na ito ay saksi sa pagbabago ng kasaysayan, at unti-unting nakalimutan ng mga tao. Sanhi ng epekto ng kalikasan, nagkaroon ng katangi-tanging ganda ang naturang mga lugar. Narito po ang ilang pinabayaang lugar sa buong daigdig:

Isang isla sa Lalawigang Zhejiang ng Tsina. Ang lugar na ito ay pinanirahan noong araw ng mga mangingisda, pero nilisan at pinabayaan pagkatapos. Hindi nagtagal, ang bakanteng mga tirahan ay nagmistulang luntiang hardin. Mabilis na lumaki ang napakaraming ligaw na halaman, at halos natakpan ng mga ito ang mga dating tahanan ng mga lokal na residente.

Ang Chemin de fer de Petite Ceinture sa Paris ay isang daambakal na itinatag noong 1852. May kaugnayan ito sa mga pangunahing subway station ng Paris. Sapul nang pabayaan ito noong 1934, ang magandang luntiang lugar na ito ay naging paraiso para sa mga tagahanga ng kalikasan.

Nasa Historic City of Ayutthaya, Thailand, ang naturang guho ng Wat Maha That Temple. Noong ika-13 ng Disyembre, 1991, ito ay inilakip sa listahan ng pamanang pandaigdig ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization o UNESCO.

Isang malaking bombax ceiba tree ang tumubo sa guho ng Preah Khan Temple ng Angkor, Kambodya. Ito rin ay nasa listahan ng pamanang pandaigdig ng UNESCO.

Mga pinabayaang bapor sa gulpo sa katimugan ng Petropavlovsk-Kamchatsky, Rusya. Balot ng yelo't niyebe ang mga bapor.

Ang Nayong Oradour-sur-Glane sa Pransya ay sinalakay ng Nazi noong 1944. Pinatay ang lahat ng mga taga-nayon, at sinira ang mga gusali at sasakyang de motor.

Ilandaang Aleman miner ang nagsadya minsan sa disyerto ng Namibia para humanap ng kayamanan. Naging masagana ang Kolmanskop Diamond Mine dahil dito. Pero 100 taon na ang nakararaan, ang mine ay unti-unting natabunan ng disyerto.

Pinabayaang grinding mill sa Valley of the Mills sa Sorrento, Italya.

Ang Truk Lagoon sa Timog Silangan ng Micronesia ay itinuring minsan na pinakamalakas na kuta ng Hapon sa Pasipiko. Ngayon, ang lugar na ito ay naging sementeryo ng mga pasilidad na militar sa ilalim ng tubig.

Ang karamihan ng mga klasikal na kotse sa litrato ay yari noong dekada 60. Pagkaraang ilagay ang mga ito sa kagubatan sa Nayong Chatillon sa katimugan ng Belgium, nagsisilbi itong tahanan ng mga hayop at halaman sa kagubatan.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>