JAKARTA, Indonesia—Idinaos kahapon ang luncheon meeting ng sangay sa Indonesia ng Industrial and Commercial Bank of China at mga bahay-kalakal na Indones.
Sinabi ni Wei Guoxiong, kinatawan ng ICBC Indonesia na sapul nang pumasok sa Indonesia ang ICBC noong 2007, walang-humpay itong nagsisikap para mapasulong ang kalakalan sa pagitan ng Indonesia at Tsina. Dagdag pa niya, nakahanda ang ICBC Indonesia na malaman ang kahilingan ng mga bahay-kalakal na Indones at ipaalam sa kanila ang pangmatagalang target ng bangko para mas mabuti nitong paglingkuran ang mga bahay-kalakal na Indones at Tsino.
Salin: Jade