Sinabi kahapon ni Xu Lin, Puno ng Hanban o Punong Himpilan ng Confucius Institute na lampas na sa 490 ang bilang ng Confucius Institute sa buong daigdig sa kasalukuyan, at sa katapusan ng taong ito, inaasahang aabot sa 500 ang bilang na ito.
Winika ito ni Xu sa isang seminar na nilahukan ng 36 na presidenteng dayuhan ng Confucius Institute sa 21 bansa na kinabibilangan ng Estados Unidos, Denmark, Israel, Sudan at New Zealand.
Sa siyam na araw na seminar, mararanasan at matututuhan ng mga kalahok ang kulturang Tsino. Magpapalitan din sila ng karanasan sa pagpapatakbo ng Confucius Institute para mapasulong ang kaalaman sa kulturang Tsino ng mga dayuhan.
Salin: Jade