Itinatag kahapon sa Bangkok ang kauna-unahang alumni association ng Confucius Institute ng Thailand, ang alumni Association ng Confucius Institute ng Bansomdejchaopraya Rajabhat University, naglalayong pagsamahin ang yaman ng mga Confucius Institute at itatag ang plataporma para sa pagpapalitan ng damdamin at palagay ng mga nagtapos.
Sa pulong ng pagkakatatag ng asosasyon, sinabi ni Sun Ling, Kinatawan ng China Hanban sa Thailand, na ang alumni association ay bigkis sa pagitan ng mga Confucius Institute at mga estudyante, tulay ng pagpapalawak ng pagpapalitan ng mga Confucius Institute at mga tauhan sa iba't ibang sirkulo ng lipunan, at plataporma ng pagpapasigla sa paglahok at pagkatig ng mas maraming puwersa ng lipunan sa pag-unlad ng mga Confucius Institute. Kaya, ito aniya ay magsisilbing malakas na paggarantiya sa sustenableng pag-unlad ng mga mga Confucius Institute.
Ipinahayag naman ni Zhou Gaoyu, First Secretary ng Embahadang Tsino sa Thailand, umaasa siyang maipagkakaloob ng nasabing kauna-unahang alumni association ang karanasan para sa iba pang Confucius Institute.
Salin: Andrea