Ayon sa proklamasyong isinapubliko kahapon ng Ministring Panlabas ng Belgium, umaasa ang Australia, Belgium, Malaysia, Netherlands, at Ukraine na itatatag ng United Nations(UN) ang espesyal na korte para litisin ang kaso ng pagbagsak ng eroplanong MH 17 ng Malaysia Airlines. Ang naturang 5 bansa ang namamahala sa pag-iimbestiga sa nasabing kaso.
Noong ika-17 ng Hulyo, 2014, bumagsak ang Flight MH17 ng sa gawing silangan ng Ukraine, at nasawi ang lahat ng 298 katao sa eroplano. Pagkaraang maganap ang insidente ng pagbagsak, binatikos ng pamahalaan at oposisyon ng Ukraine ang isa't-isa. Nagturuan sila kung sinong dapat umako ng responsibilidad ng pangyayari. Kaugnay nito, napagpasiyahan ng UN Security Council na isagawa ang komprehensibong imbestigasyon hinggil dito.