Pinauwi kamakailan ng Thailand ang mahigit 100 ilegal na dayuhang Tsino. Dulot nito, ipinataw ng ilang bansa at organisasyong pandaigdig ang presyur sa Thailand sa pangangatuwiran ng "karapatang pantao." Nitong ilang araw na nakalipas, paulit-ulit na binigyang-diin ng Tsina at Thailand na ang ilegal na pagpasok sa hanggahan ng ibang bansa ay labag sa batas, at dapat pauwiin ang mga ilegal na immigrants.
Ipinahayag kamakalawa ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand na ang mga pinauwing tauhan ay ilegal na pumasok sa Thailand, at dapat aniyang hawakan ng kanyang bansa ang isyung ito sa pamamagitan ng batas. Ang pagpapauwing ito ay tumpak na kapasiyahan na angkop sa batas, dagdag pa niya.
Ipinahayag din kahapon ng Embahadang Tsino sa Thailand na binibigyan ng ilang pamahalaang dayuhan at puwersa ng pagbatikos ang normal na kooperasyon ng Tsina at Thailand sa pagbibigay-dagok sa ilegal na mandarayuhan. Ito anito ay pagnunulsol sa ilegal na mandarayuhan, at lumalabag sa may-kinalamang pandaigdigang kasunduan at batas.
Salin: Li Feng