Sa Bangkok — Kinatagpo kahapon ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand si Yang Jing, dumadalaw na Kasangguni ng Konseho ng Estado ng Tsina.
Sa pagtatagpo, sinabi ni Yang na sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng dalawang bansa, nananatiling mainam ang pag-unlad ng tunguhin ng relasyong Sino-Thai, madalas ang pagdadalawan sa mataas na antas, at lumalalim ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa. Aniya, ang kasalukuyang taon ay ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Thailand, at nahaharap ang relasyon ng dalawang bansa sa bagong pagkakataon ng pag-unlad. Nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng Thailand, para ibayo pang mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa, dagdag pa niya.
Ipinahayag naman ni Prayuth na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina. Umaasa aniya siyang ibayo pang matututo ang Thailand mula sa mga karanasan ng Tsina sa pangangasiwa sa estado.
Salin: Li Feng