Ipinahayag kamakailan ni Chatchai Sarikalya, Ministro ng Komersyo ng Thailand, na pagkaraang magkaroon ng komong palagay, ipinasiya ng kanyang bansa at Tsina na pasimulan sa katapusan ng taong ito ang proyektong pangkooperasyon ng dalawang bansa sa konstruksyon ng daambakal, at tatagal nang tatlong taon ang konstruksyong ito.
Sinabi ni Sarikalya na sa pamamagitan ng proyektong ito, gusto ng Thailand na hiramin ang mga maunlad na teknolohiya ng Tsina sa pagtatayo at pagpapatakbo ng daambakal. Dagdag pa niya, bukod sa daambakal, umaasa rin ang Thailand na palalakasin, kasama ng Tsina, ang kooperasyon sa lansangan, abiyasyon, at puwerto, para pataasin ang lebel ng imprastruktura ng Thailand.
Salin: Liu Kai