Binuksan kahapon sa Chengdu, kabisera ng lalawigang Sichuan sa dakong timog-kanluran ng Tsina ang Linggo ng mga Prutas mula sa Thailand.
Salamat sa cross-border na logistics na nag-uugnay ng Bangkok, kabisera ng Thailand, at Kunming, punong lunsod ng lalawigang Yunnan ng Tsina patungong Chengdu, maaaring ma-enjoy ng mga mamamayang lokal ang mga sariwang prutas na galing sa Thailand na gaya ng mangosteen, durian at dragon fruit.
Sa pamamagitan ng nasabing cross-border na logistic line na may habang mahigit 2,600 kilometro, sa loob ng 30 oras, maihahatid sa Chengdu ang mga prutas na galing sa Thailand. Mas mabilis ito kumpara sa tradisyonal na pagkakarga sa katubigan na tumatagal ng humigit-kumulang 20 araw.
Salin: Jade