Idinaos kamakalawa sa Bangkok ang aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Thailand.
Sa kanyang talumpati sa aktibidad na ito, binigyan ng mataas na pagtasa ni Prem Tinsulanonda, Puno ng Privy Council ng Thailand, ang pagkakaibigan at pagtutulungan ng Thailand at Tsina. Dagdag niya, lubos na pinahahalagahan ng dalawang bansa ang pagpapalitan ng kanilang mga mamamayan, at ito ay nagpapalakas ng pagkakaibigan at pagtutulungan ng Thailand at Tsina.
Sinabi naman ni Ning Fukui, Embahador ng Tsina sa Thailand, na ang magandang pag-unlad ng relasyong Sino-Thai ay dahil sa pagkatig ng iba't ibang sektor ng Thailand, na kinabibilangan ng royal family, pamahalaan, mga mapangkaibigang tauhan, at iba pa.
Salin: Liu Kai