Ayon sa "Ulat Tungkol sa Internasyonalisasyon ng RMB sa Taong 2015" na isinapubliko kamakalawa ng International Monetary Institute (IMI) ng Renmin University ng Tsina, sinabi nitong ang lebel ng internasyonalisasyon ng RMB ay may pag-asang lumampas sa Japanese Yen, at ito ang magsisilbing ika-4 na pinakamalaking salaping pandaigdig.
Hanggang sa ngayon, nilagdaan na ng People's Bank of China (PBC) at mga awtoridad sa pananalapi ng 32 bansa't rehiyon ang kasunduan ng palitan ng salapi. Ang mga kasunduang ito ay nagkakahalaga ng 3.1 trilyong Yuan, RMB.
Salin: Li Feng