Idinaos kamakailan sa Alexandra Palace sa gawing hilaga ng London, UK ang 2015 Red Bull Soapbox Race. Mapapanood sa karera ang mga kusang-yari na soapbox. Walang motor, ang mga soapbox ay magpapabilisang bumba mula sa 420 metro na downhill slope sa tulong ng gravity.
Ibinigay ng mga judge at mga 20 libong manonood ang kanilang pagtasa batay sa itsura, bilis at popularidad ng mga karerista.
Isang bagay na kailangang banggitin ay ang pagbibigay ng lahat ng kita ng tiket sa charity organization. Bilang premyo, puwedeng bisitahin ng winner ang pagawaan ng Red Bull at natamo ang pagkakataon na lumaban sa totoong karera.