Isang napakalungkot na ika-30 kaarawan ang sumalubong sa isang Brasilyanong si Rafael Mantesso, dahil sa araw mismo ng kanyang kaarawan, sa halip na maligayang salu-salo, nakipagdiborsiyo sa kanya ang asawa niya.
Tinangay lahat ng asawa ang mga bagay sa bahay na kinabibilangan ng mga muwebles, mga pasilidad sa kusina, at mga artikulong pansining. Ang tanging iniwan nito ay ang pet dog na si "Jimmy." Sapul noon, sinimulang gamitin ni Mantesso ang blangkong pader para kumuha ng mga nakatutuwang litrato ni Jimmy.
Simple pero kalugud-lugod ang mga litrato, at mabilis itong naging popular sa internet.
Salin: Vera