Si Cristiam Ramos ay isang namumukod-tanging Mexican artist. Malikhain siya, at mayroon siyang kakaibang taste sa ginagamit na pintura at canvass. Gamit ang kendi at tutpeyst, ipininta niya minsan ang mga larawan ng kilalang personahe na gaya nina Michael Jackson at Beyonce Giselle Knowles.
Kamakailan ay sinubok niya ang mas mahirap na hamon: kopyahin ang mga kilalang obra maestra sa daigdig sa pakpak ng paru-paro.
Maliit ang pakpak ng paru-paro, at hindi ito angkop sa pagpipinta. Kailangang pag-ukulan niya ng ilang oras ang paglilinis ng dalawang pakpak ng paru-paro. Pagkatapos ng espesyal na pagpoproseso, maaaring sumipsip ng pintura ang mga pakpak.
Bukod dito, gumagamit si Ramos ng magnifying glass para ipinta ang mga detalye sa maliit na espasyo sa pakpak. Ayon kay Ramos, 56 oras ang karaniwang kailangan para magpinta sa isang pakpak.
Salin: Vera