Sa Karachi, Pakistan — Idinaos kahapon ng Industrial and Commercial Bank of China (ICBC) ang promosyon tungkol sa RMB clearing service. Opisyal ding ipinatalastas ng ICBC ang pagsisimula ng RMB clearing mechanism sa bansang ito.
Pagkaraang pasimulan ang mekanismong ito, sa pamamagitan ng mga account na bubuksan sa sangay ng ICBC sa Karachi, puwedeng direktang hawakan ng mga bangkong komersyal ng Pakistan at iba pang bansa sa Timog Asya ang RMB business. Bunga nito, malinaw na mapapataas ang episiyensiya at ginhawa ng paggamit ng RMB sa rehiyong Timog Asyano.
Salin: Li Feng