Inilipat kamakailan ng ilang dayuhang kompanya ang kanilang production lines mula Thailand patungo sa Biyetnam. Ikinabahala ng ilang opisyal ng Thailand ang paghikayat ng Biyetnam sa mas maraming pamumuhunang dayuhan. Ito anila ay hindi nakakatulong sa pagpapasigla ng kabuhayang Thai. Tungkol dito, ipinahayag kahapon ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand na ang Biyetnam ay kaibigan ng Thailand sa halip ng katunggali.
Sa kasalukuyan, ang Thailand ay pinakamalaking trade partner ng Biyetnam sa ASEAN. Ayon sa estadistika ng Ministri ng Komersyo ng Thailand, umabot sa 11.8 bilyong dolyares ang halaga ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa noong 2014.
Salin: Li Feng