Ayon sa ulat mula ng pahayagang "Lianhe Zaobao" ng Singapore, bilang tugon sa mainit na debatehan tungkol sa pagsasalegal ng mga casino sa Thailand, ipinahayag ngayong araw ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand na hindi maitatayo sa bansa ang mga casino sa loob ng kanyang termino.
Noong isang linggo, bukas na nanindigan si Somyot Poompanmoung, Police Chief ng Thailand, at ilang opisyal ng pamahalaan, para gawing legal ang operasyon ng mga casino. Ito ay nakatawag ng mainit na debatehan. Sinabi ni Prayuth na iniutos na niya kay Somyot na huwag nang magsalita tungkol sa pagtatatag ng casino.
Salin: Li Feng