Noong ika-26 ng Hulyo ng taong 1945, itinakda sa Alemanya ang Potsdam Proclamation para patatagin ang kaayusang pandaigdig pagkatapos ng World War II at pundasyon ng matatag at mapayapang pag-unlad ng Asya.
Ayon sa Xinhua News Agency, itinakda sa naturang dokumento ang mga mahalagang nilalaman na gaya ng paglimita sa kapangyarihan ng Hapon sa paglulunsad ng digmaan, pagtatatag ng demokratikong sistema sa bansang ito at pagdemarka ng hanggahan ng teritoryo nito.
Ayon pa sa nasabing ahensiya, ang pagsususog ng pamahalaan ni Shinzo Abe sa konstitusyon at pagtakda ng bagong batas na panseguridad kamakailan ay lumabag sa tadhana at prinsipyo ng Potsdam Proclamation. Ito rin ay nakapinsala sa relasyon ng Hapon sa mga karatig na bansang Asyano, dagdag pa nito.
Ang Xinhua News Agency ay ang opisyal na ahensya ng pagbabalita ng Tsina.