Makaraang matagpuan sa dalampasigan ng Reunion Island sa timog Indian Ocean ang pinaghihinalaang labi ng bumagsak na MH370 ng Malaysia Airlines, sinabi kahapon ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia na nagpadala na ang kanyang bansa ng grupo para kumpirmahin kung tagalagang bahagi ng MH370 ang natuklasang labi.
Ang Boeing 777-200 aircraft ng Malaysia Airlines ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas- dose kuwarenta'y uno (12:41) ng hatinggabi noong ika-8 ng Marso (Beijing/Manila time), 2014. Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga nang araw ring iyon. Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan ito ng kontak sa air traffic control, habang lumilipad sa Ho Chi Minh City, Biyetnam.
Isang daa't limampu't apat (154) sa dalawang daa't tatlumpu't siyam (239) na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.
Salin: Jade