Sa Kuala Lumpur, Malaysia — Idinaos kahapon ang Ika-3 Pulong Ministeryal ng Malaysia, Australia, at Tsina kung saan ipinasiya ng tatlong panig na patuloy na hanapin ang nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines. Kung hindi makikita ang mga labi ng nasabing eroplano sa kasalukuyang lugar ng paghahanap, palalawakin ng tatlong bansa ang search area.
Sa isang magkakasanib na komunike na ipinalabas sa pulong, lubos na hinahangaan at pinasasalamatan ng tatlong bansa ang ginawang napakalaking ambag ng komunidad ng daigdig at mga may kinalamang bansa sa paghahanap ng eroplano noong nakaraang taon. Anito, nagkaroon ng mabisang kooperasyon ang tatlong bansa sa mga aspekto ng paghahanap ng eroplano, pag-iimbestiga sa insidente, at mga gawain pagkatapos ng insidente.
Salin: Li Feng