Sobrang mainit ang panahon, sinusubok ng tao at hayop ang lahat ng paraan para mapalamig ng katawan at pakiramdam. At ayon sa ulat ng Taipei Zoo kamakailan, nawala ang mga palatandaan ng pagbubuntis ni Yuanyuan, isang babaeng giant panda na ibinigay ng Chinese mainland sa Taiwan at natiyak na ng mga dalubhasa na nakaranas ng phantom pregnancy si Yuanyuan.
Napag-alamang pagkaraang lumitaw ang mga palatandaan ng pagbubuntis, agarang inilipat ng mga personahe si Yuanyuan sa isang pribadong bahay na may air-conditioner at mataimtim na ina-alagaan siya at pinapakain ng mas maraming prutas, masustansiyang pagkain at bamboo. Dahil nagdalang-tao at ipinanganak na ang isang anak na babae ni Yuanyuan noong isang taon at natanggap minsan ang mga espesyal na treatment, ipinalagagay ng mga dalubhasa na para mag-enjoy ng mas maginhawang pamumuhay sa kasalukuyang tag-init, pinili ni Yuanyuan na ipinagpaliban ang panahon ng phantom pregnancy.
Ayon sa dalubhasa, madalas na lumitaw ang phantom pregnancy sa pagitan ng mga babaeng giant panda, puwedeng maging buntis ang babae gaint panda nang isang beses bawat spring at dalawa o tatlong araw lamang ang pagkakataon para mabuntis. At sa buong buhay ng isang babaeng giant panda, puwedeng ipanganak ang 3 hanggang 5 anak lamang.