Si Mixiu ay isang apat na taong gulang na labrador at isa sa tatlong guide dog sa probinsyang Guizhou ng Tsina. Si 27 taong gulang na si Wu Lei ang may-ari sa kanya. Si Wulei ang kauna-unahang mabulag na piano tuner sa Guizhou. Tuwing lumalabas si Wu Lei at nag-aayos ng piano sa bahay ng customer, sinasamahan siya ni Mixiu at kapag nakatagpo ng panganib, mapoprotektahan ni Mixiu si Wulei.
Noong 11 taong gulang, naging bulag si Wu Lei dahil sa kasugatang panlabas, salamat sa epesyal na sensitibidad niya sa pandinig, pumasok si Wu sa Beijing School For Blind at naging isang piano tuner. Napakataas ng kahilingan at masyadong mahirap ang buong proseso ng pag-aaral para kay Wu, at dahil kailangang magserbisyo door to door, noong taong 2010, nag-aplay si Wu sa China Guide Dog Training Center at pagkaraang 3 taong paghihintay, isa pang buwang pag-aaral at pagtatanggap ng maraming eksam, nakuha niya si Mixiu.
Noong Enero ng taong 2015, sa daang pauwi, nakatagpo sina Wu at Mixiu ng isang malaking aso at grabeng nasugatan si Mixiu, pero, hindi humalinghing si Mixiu at patuloy na sinamahan pabalik si Wu Lei. Sinabi ni Wu Lei, si Mixiu ay hindi lamang kanyang mata, kundi kanyang kaibigan at kapamilya.
Kapag nag-aayos si Wu ng piano, tahimik na maghihintay si Mixiu.
Pagkaraang ipakita ang ID Card ni Mixiu, puwedeng sumakay si Mixiu ng express train, bus, subway at iba pa.