Sa Kuala Lumpur — Sa kanyang pakikipagtagpo ngayong araw kay Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, ipinahayag ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia ang kahandaang walang humpay na pasulungin ang relasyon ng dalawang bansa. Aniya, kinakatigan ng Malaysia ang mungkahing iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa pagtatatag ng "Maritime Silk Road sa Ika-21 Siglo," pagtatatag ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), at iba pa. Winiwelkam aniya ng Malaysia ang pamumuhunan ng mas maraming bahay-kalakal na Tsino sa Malaysia. Bilang kasalukuyang bansang tagapangulo ng ASEAN, nakahanda ang Malaysia na patingkarin ang positibong papel para sa pagpapasulong ng relasyong Sino-ASEAN, dagdag pa niya.
Sinabi naman ni Wang na ang relasyong Sino-Malay ay nasa pinakamabuting panahon sa kasaysayan. Hinahangaan aniya ng panig Tsino ang ginagawang mahalagang ambag ni Najib sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Malay.
Salin: Li Feng