Sa Tanggapan ng Punong Ministro ng Malaysia, Kuala Lumpur—Kinatagpo rito kahapon ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia si Liu Yandong, Pangalawang Premyer ng Tsina.
Pinarating ni Liu ang pangungumusta nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Najib. Aniya, ang Malaysia ay mahalaga't mahigpit na partner ng Tsina sa Timog-silangang Asya. Malakas din ani Liu ang pagkokomplemento ng kooperasyon ng kapuwa panig, at malaki ang nakatagong lakas nito. Nakahanda aniya ang panig Tsino na panatilihin, kasama ng panig Malay, ang pagpapalagayan sa mataas na antas; pabutihin ang estratehiyang pangkaunlaran; at ibayo pang palawakin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng kabuhayan, kalakalan, edukasyon, palakasan, kabataan, turismo at iba pa. Dagdag ni Liu, ang pagtatamo ng estratehikong partnership ng Tsina at Malaysia ay magpapasulong sa mas malaking progreso, para maisakatuparan ang komong kaunlaran.
Ipinahayag naman ni Najib na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang relasyon sa Tsina. Aniya pa, nagharap din siya ng bagong target sa ibayo pang pagpapalakas ng kooperasyong Sino-Malay, at pagpapataas ng lebel ng relasyon ng kapuwa panig, sapul nang manungkulan siya bilang punong ministro. Kinakatigan ng panig Malay ang pagtatatag ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), at mga mungkahi at hakbangin ng Tsina na gaya ng konstruksyon ng "Silk Road Economic Belt" at "21st Century Maritime Silk Road" o "One Belt One Road," dagdag pa niya.
Salin: Vera