Pagkatapos ng Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN, ipinahayag kahapon ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na magkakaloob ang Tsina ng "pinakakailangang" imprastruktura sa mga umuunlad na bansa na kinabibilangan ng mga bansang Timog Silangang Asyano.
Ani Wang, ang pokus ng larangang pangkooperasyon ng magkakasamang pagtatatag ng Tsina at mga bansang ASEAN ng "Maritime Silk Road" ay kooperasyon sa konstruksyon ng imprastruktura at pandaigdigang kakayahan ng produksyon. Aniya, ang Tsina at mga bansang ASEAN ay nasa nagkakaibang yugto ng industriyalisasyon, at maaring maisakatuparan ng dalawang panig ang pagkokomplimento ng bentahe ng isa't-isa.
Salin: Li Feng