Mula ngayong araw, gaganapin sa Malaysia ang Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN, Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN, at Tsina, Hapon at Timog Korea, Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Summit ng Silangang Asya, at Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN Regional Forum (ARF). Ang konstruksyon ng ASEAN Community ay magiging isa sa mga pangunahing tema ng nasabing serye ng pulong.
Nang kapanayamin kamakailan sa Jakarta, sinabi ni Xu Bu, Embahador ng Tsina sa ASEAN, na ayon sa may-kinalamang datos, natapos na ang 93% ng blueprint ng konstruksyon ng ASEAN Community. Aniya, pagkaraang maitatag ang nasabing komunidad, lalakas ang pagsasangguniang pulitikal, lalalim ang kooperasyong pangkabuhayan, lalawak ang pagpapalitang pangkultura ng Tsina at ASEAN, at makakatulong ito sa pagsasagawa ng kooperasyong Sino-ASEAN sa mas mataas na lebel.
Salin: Li Feng