Sa Kuala Lumpur, Malaysia — Binuksan ngayong araw ang ika-48 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN. Ang layon ng pulong ay ilagom ang progreso ng konstruksyon ng ASEAN Community at gumawa ng paghahanda para sa ika-27 ASEAN Summit na gaganapin sa Kuala Lumpur sa darating na Nobyembre.
Magkakasunod ding gaganapin sa Kuala Lumpur ang mga pulong na kinabibilangan ng Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN, Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN, at Tsina, Hapon at Timog Korea, Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Summit ng Silangang Asya, at Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN Regional Forum (ARF). Dadalo sa nasabing serye ng pulong si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina.
Salin: Li Feng