Sa Kazan, Rusya—Mula ika-24 ng Hulyo hanggang ika-9 ng Agosto, idinaraos dito ang ika-16 na FINA (Fédération Internationale de Natation) World Championships. Sa 17 araw na paligsahan, mapapanalunan ng mga atleta mula sa iba't ibang sulok ng mundo ang medalyang ginto ng 75 events.
Kabilang sa mga event ng FINA World Championships, ang napakamapanganib ng high diving. Narito po ang ilang litrato ng kasalukuyang paligsahan ng high diving.
Sa tabi ng pinagdausan ng paligsahan, may Annunciation Cathedral at Kul Sharif Mosque—dalawang kapansin-pansing arkitektura ng Kazan. Sa pamamagitan ng nasabing mga litratong kinunan sa sandali ng pagdidiving ng mga atleta sa tabi ng dalawang dakilang arkitektura, mararamdaman ninyo ang ganda ng palakasan.
Salin: Vera