Ayon sa ulat ng Guangming Daily ng Tsina, ang taong ito ay ang ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Anti-Japanese War ng Tsina at Anti-Fascist War sa buong daigdig. Ang Anti-Japanese War ng Tsina ay mahalagang bahagi ng Anti-Fascist War at gumanap ang Tsina ng mahalagang papel sa Anti-Fascist War.
Una, ang Tsina ay bansang pinakamaagang lumaban sa pananalakay ng Fascist country noong panahong iyon. Noong taong 1931, sinimulan ng Tsina ang Anti-Japanese War at ito rin ay palatandaan ng pagsimula ng World War II (WWII).
Ikalawa, isinabalikat ng hukbong Tsino ang responsibilidad ng paglaban sa karamihan ng tropang panlupa ng Hapon noong panahong iyon. Noong panahon ng WWII, ang 70% ng kabuuang puwersang militar ng Hapon ay nasa larangang pandigma ng Tsina.
Ikatlo, ang Anti-Japanese War ng Tsina ay nagbahaginan ng presyur ng mga kaalyadong bansa na gaya ng Amerika, Britanya at dating Union Soviet sa paglaban sa pananalakay ng mga Fascist countries. Noong panahon ng WWII, dahil iginiit ng Tsina ang paglaban sa pananalakay ng tropang Hapones. Hindi kaya ng Hapon na isagawa, kasama ng Alemanya ang magkasamang pananalakay sa dating Union Soviet at dagdagan ng puwersang militar ang larangang pandigma sa Amerika at Timog Silangang Asya.
Ikaapat, nagpasulong ang Tsina ng pagtatatag ng koalisyon ng Anti-Fascist at aktibong lumahok sa rekonstruksyon ng kaayusang pandaigdig pagkatapos ng digmaan. Mula taong 1944 hanggang taong 1947, lumahok ang Tsina sa pagtatatag ng mga pandaigdigang organisasyon na gaya ng United Nations, International Monetary Fund, International Bank for Reconstruction and Development o World Bank, at General Agreement on Tariffs and Trade.