Sinabi kahapon ni Hong Liang, Embahador ng Tsina sa Myanmar, na aktibo ang iba't ibang sirkulo ng bansa, na kinabibilangan ng pamahalaan, embahada, at mga bahay-kalakal na Tsino sa Myanmar, sa pagbibigay-tulong sa bansang ito sa paglaban sa nagaganap na kalamidad ng baha.
Isinalaysay ni Hong na sunud-sunod na inihahatid sa mga binabahang lugar ng Myanmar ang mga tulong na materyal na ipinagkaloob ng iba't ibang panig ng Tsina. Aniya pa, kalahok ngayon sa gawaing panaklolo sa Myanmar ang mga rescue team ng pamahalaan, mga bahay-kalakal, at mga organisasyong pansibilyan ng Tsina.
Salin: Liu Kai