|
||||||||
|
||
KUALA LUMPUR, Malaysia--Ipininid kahapon ang Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3).
Sinabi ni Wang Yi, kalahok na Ministrong Panlabas ng Tsina na sa susunod na yugto, kailangang kailangang magpokus ang 10+3 sa pagtatatag ng ASEAN Community, East Asian Economic Community at Asian Community of Common Destiny.
Upang mapasulong ang kapayapaan at kasaganaan ng rehiyon, inihain ni Wang ang anim na mungkahi.
Una, kaugnay ng pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan: kailangang magsikap ang mga may kinalamang panig para matapos ang substansyal na talastasan hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), na kinabibilangan ng sampung miyembro ng ASEAN at anim na free trade partner nito na kinabibilangan ng China, India, Japan, South Korea, Australia, at New Zealand.
Ikalawa, kaugnay ng pagtutulungang pinansyal: kailangang patingkarin ang papel ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) at Silk Road Fund para mapalakas ang kakayahan ng mga miyembro ng rehiyon sa pangongolekta ng pondo para sa konstruksyon at upgrading ng imprastruktura.
Ikatlo, hinggil sa pagtutulungang agrikultural: kailangang maayos na ipatupad ang Proposal na Pangkooperasyon sa Pagpapahupa ng Kahirapan sa Silangang Asya.
Ikaapat, dapat palakasin ang pagtutulungan sa imprastruktura at sektor na industriyal. Ani Wang, batay sa mga prinsipyo ng pagkukusang-loob, pagkakapantay-pantay at mutuwal na kapakinabangan, nakahanda ang Tsina na, magkaloob ng imprastruktura na lubhang kailangan ng mga bansa ng Timog-silangang Asya. Nakahanda rin ang Tsina na pahigpitin ang pakikipagtulungan nito sa ibang bansa sa larangan ng bakal, metalurhiya, materyales sa konstruksyon, koryente at telekomunikasyon, dagdag ni Wang.
Ikalima, upang mapasulong ang pagtutulungang pandagat, dapat magkasamang itaguyod ng Tsina at ASEAN ang Taon ng Pagtutulungang Pandagat na pinasinayaan ng magkabilang panig noong nagdaang Marso. Kasabay nito, kailangan ding pabilisin ang pagtatatag ng Plataporma ng Pagtutulungang Pandagat ng Silangang Asya.
Ika-anim, pagdating sa pagtutulungang kultural: kailangang pasulungin ng mga may kinalamang bansa ang mekanismong pangkooperasyon sa turismo, edukasyon, kultura, at pulong mga ministro ng pamamahayag.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |