|
||||||||
|
||
JAKARTA, Indonesia—Isinumite kahapon ni Xu Shaoshi, Espesyal na Sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kay Pangulong Joko Widodo ang feasibility research report hinggil sa posibleng pagtutulungan ng dalawang bansa para mailatag ang high-speed rail na mag-uugnay sa Jakarta, kabisera ng Indonesia at Bandung, dalawang pangunahing lunsod sa Java.
Ipinahayag din ni Xu, na siya ring direktor ng National Development and Reform Commission, na may limang sumusunod na bentahe kung magkasamang ilalatag ng Tsina at Indonesia ang nasabing high-speed rail na may habang 150 kilometro.
Una, pinaplano ng Tsina na gamitin ang mga hilaw na materyal, makinarya at kasangkapan na galing sa lokalidad sa proseso ng paglalatag ng riles. Kasabay nito, balak din ng Tsina na upahan ang mga tauhang teknikal at iba pang empleyadong lokal. Dagdag pa niya, 40,000 trabaho ang inaasahang idaragdag bawat taon kapag sinimulan nang itayo ang riles. Bukod dito, kapag naisaoperasyon ang high-speed rail, itatayo rin sa kahabaan ng riles ang mga gusali para sa serbisyong pampubliko na gaya ng otel, panirahan, at shopping mall. Ayon sa inisyal na pagtaya, magkakaroon ng tubo ang riles, 5 taon makaraan itong isaopearsyon.
Ikalawa, tutulong ang Tsina sa Indonesia na sanayin ang mga tauhang mamamahala sa operasyon ng high-speed rail.
Ikatlo, ililipat ng Tsina ang teknolohiya sa Indonesiya para tulungan ang huli sa pagtatayo ng pabrika ng asemblea ng kasangkapan sa high-speed rail.
Ikaapat, tutulungan ng Tsina ang Indonesia na istandardisahin ang sistema ng pangangasiwa sa high-speed rail.
Ikalima, nakahanda rin ang Tsina na makipagtulungan sa Indonesia para galugarin ang pamilihan ng high-speed rail sa iba pang bansa.
Ipinagmamalaki rin ni Xu ang mayamang karanasan ng
Tsina sa pagtatatag ng high-speed rail. Ipinagdiinan din niya ang episyensiya ng Tsina: ibig sabihin, matatapos ng Tsina ang konstruksyon sa loob lamang ng 3 taon. Itinatampok din sa feasibility report ang pagiging kompetetibo ng Tsina sa pangongolekta ng pondo.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |