Naganap kahapon ang mga sagupaan sa pagitan ng hukbong pampamahalaan ng Iraq at mga elemento ng Islamic State (IS), sa Anbar, pinakamalaking lalawigan sa dakong kanluran ng Iraq.
Ikinamatay ang mga ito ng di-kukulangin sa 38 sundalong pampamahalaan at 19 na miyembro ng IS.
Sa isang may kinalamang development, 80 sundalo ng Amerika ang dumating kahapon sa base militar, sa dakong kanluran ng Iraq. Ito ang unang batch ng 450 personaheng militar na binabalak na ipadala ng Amerika sa Iraq.
Sa kasalukuyan, humigit-kumulang 3,100 personaheng militar ng Amerika ang nakatalaga sa Iraq.
Salin: Jade