IPINATAW ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang operasyon ng Valisno bus na nasangkot sa isang sakuna kamakailan. Ayon sa kanilang pahayag, 30 araw ang suspension ng buong Valisno Bus na kinabibilangan ng 62 mga sasakyan sa kanilang pagkakatanggap ng kautusan ng agensya ng pamahalaan.
Sinamsam ang yellow plates ng LTFRB. Sasailalim pa rin ang 62 bus sa pagsusuri kung mapapayagan bang magbiyahe.
Ang lahat ng kanilang mga tsuper ay sasailalim sa road safety seminar, drug testing at pakukunin din ng kani-kanilang police at NBI clearance bago payagang magmaneho at magbiyaheng muli.