NAPAKAHALAGA ng gagawing Census of Population ngayong taong ito para sa lipunan at pamahalaan. Ito ang sinabi ni Economic Planning Secertary Arsenio M. Balisacan sa paglulunsad ng Development and Communication Coordination Network at Census 2015.
Upang makabuo ng angkop na programa, kailangan ang tamang datos ng mga mamamayan. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng angkop na pagtataya ng magagastos sa mga usaping pangkaunlaran at base sa pangangailnagan ng madla. Idinaos ang press briefing ng National Economic and Development sa Rembrandt Hotel, mahalaga rin ang census sa development planning hanggang sa pambayan o pang-lunsod. Kailangan din ito sa mga aktibidad na may kinalaman sa halalan, pagbuo ng bagong distrito, investment programming at para sa targeting ng beneficiaries.