NAKAKABAWI na ang mang-aawit at komedyanteng si Elizabeth Ramsey matapos siugod sa ospital noong nakalipas na linggo. Ayon sa kanyang anak na si Jaya, niliwanag niyang hindi na-stroke ang kanyang ina bagkos ay hinimatay sa sobrang taas ng blood sugar.
Nakakagalaw na umano ang kanyang ina at nakakausap na. Ayaw na ng aktres na manatili pa sa ospital. Pinasalamatan ng mang-aawit ang lahat na sumuporta sa kanila at nakiisa sa panalangin upang gumaling kaagad ang kanyang ina.
Noong nakalipas na Huwebes, isinugod si Elizabeth Ramsey sa Philippine Heart Center at nailagay sa intensive care unit sa naganap sa kanyang hyperglycemia.