Sa isang komunikeng ipinalabas ngayong araw ng Union Solidarity and Development Party (USDP), naghaharing partido ng Myanmar, sinabi nito na ang dating Pangalawang Pangulo ng USDP na si Htay Oo, ay manunungkulan bilang pangulo ng partidong ito bilang kahalili ni Thura Shwe Mann. Ang kabibitiw na ministro ng palasyong pampanguluhan na si Tin Naing Thein, ay manunungkulan bilang Pangkalahatang Kalihim ng UDSP, at siya ay hahalili kay Maung Maung Thein.
Ipinatalastas kahapon ng USDP ang nominasyon ng 1,147 miyembro ng partido bilang kandidato nito sa 1,179 na puwesto para sa pambansang halalan sa ibat-ibang antas ng parliamento, na idaraos sa Nobyembre ng taong ito. Pero, hindi lalahok sa halalan si kasalukuyang Pangulo Thein Sein ng bansa.
Salin: Li Feng