|
||||||||
|
||
Si matandang lalaki Liang Yunquan sa ilog Duliu
Mula 19 taong gulang, nagtrabaho na ang 66 na taong gulang na si Liang Yunquan sa tawiran ng ilog ng Rongjiang, probinsyang Guizhou ng Tsina bilang tagapaghatid ng mga kalakal at tao. Pero, libre kapag naghahatid siya ng mamamayang lokal sa pagitan ng dalawang pampang ng ilog Duliu.
Si matandang lalaki Liang Yunquan sa ilog Duliu
Si matandang lalaki Liang Yunquan sa ilog Duliu
Nitong 47 taong nakalipas, 22 katao na ang nailigtas ni Liang sa pagkalunod. Bukod dito, maraming beses na ring nagpayo at pinigilan ni Liang ang mga taong gusting tumalon sa ilog at magpatiwakal.
Pinapayuhan ni Liang Yunquan ang mga batang naglalaro sa tubig na mag-ingat sa kanilang seguridad
Pinapayuhan ni Liang Yunquan ang mga batang naglalaro sa tubig na mag-ingat sa kanilang seguridad
Pinasalamatan ng nakaligtas na bata si Liang Yunquan
Ayon kay Liang, ilan sa mga nakaligtas dahil sa kanyang payo ay kinabibilangan ng opisyal ng gobyerno, dalaga, batang naglalaro sa tubig, at iba pa. Bagama't kaunti lang ang bayad para sa kanyang ginawa, masaya at optimistiko pa rin si Liang Yunquan. Sabi niya, "ang tao ay dapat magkaroon ng busilak na puso." May grabeng sakit si Liang noong bata pa siya at siya ay lubos ding ulila. Inalagaan siya at pinagaling ng mga mamamayan sa lokalidad. Kaya malaki ang utang na loob niya sa mga ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |