|
||||||||
|
||
Sa isang linggong eksibisyon, makikita ng mga bisita ang hinggil sa kasaysayan ng pag-unlad ng high-speed rail ng Tsina at karanasan ng Tsina sa iba't ibang larangan na gaya ng pagdidisenyo, pananaliksik, paggawa, inobasyong panteknolohiya, pangangasiwa, at pagsasanay sa mga tauhan. Malalaman din ng mga bisita kung paano pinapasulong ng high-speed rail ang kaunlarang panlipunan at kung paano ito nakakabuti sa mga mamamayang Tsino.
Sina Embahador Xie Feng (una sa kaliwa) at Gng. Rini Soemarno, Ministro sa mga Bahay-kalakal na Ari ng Estado ng Indonesia habang bumibisita sa mga modelo ng high-speed train ng Tsina, pagkaraan ng pasinaya ng eksibisyon. (photo courtesy: chinanews.com)
Mga modelo ng high-speed train ng Tsina sa eksibisyon (photo courtesy: chinanews.com)
Salin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |