JAKARTA, Indonesia—Ipinahayag kahapon ni Xie Feng, Embahador ng Tsina sa Indonesia ang pag-asang makikisangkot ang bansa sa konstruksyon ng high-speed rail na mag-uugnay ng Jakarta at Bandung, dalawang siyudad sa Java.
Ayon kay Xie, isinumite kamakailan sa Indonesia ng Tsina ang feasibility report at kasalukuyang pinag-uusapan ng dalawang bansa ang hinggil sa proyektong ito.
Winika ito ni Xie sa pasinaya ng isang linggong pagtatanghal sa high-speed rail ng Tsina.
Kapag nailatag ang high-speed rail na may habang 150 kilometro, magiging 36 na minuto lang ang biyahe sa pagitan ng nasabing dalawang lunsod, na kasaluluyang 3 hanggang 5 oras ang paglalakbay.
Salin: Jade