Ang ika-15 ng Agosto ng taong ito ay ika-70 anibersaryo ng pagkakapatalastas ng Hapon sa walang pasubaling pagsuko noong World War II (WWII).
Sa talumpati ni Shinzo Abe, Punong Ministro ng Hapon, bilang paggunita sa araw na ito, hindi inamin ni Abe ang mga krimen ng bansang ito noong panahong iyon. Sinabi pa niyang hindi dapat humingi ng paumahin ang mga Hapones na isinilang pagkatapos ng WWII.
Kaugnay ng talumpati ni Abe, ipinahayag ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na umaasa siyang tumpak na mauunawaan ng Hapon ang kasaysayan nito noong panahon ng WWII at isasagawa ang pagsisisi hinggil dito para isakatuparan ang magkasamang kapayapaan at kasaganaan ng rehiyong Asya-Pasipiko.
Kapwa ipinahayag ng naghaharing partido at mga oposisyon ng Timog Korea ang pagkalungkot sa hindi paghingi ng paumanhin ni Abe sa mga krimen ng Hapon noong WWII.
Ipinahayag naman ni Ernest Wong, mambabatas ng New South Wales State ng Australia, na dapat isagawa ng pamahalaang Hapones ang taos-pusong paumanhin sa mga bansang sinalakay ng Hapon noong WWII. Ito aniya ay unang yugto para lutasin ang mga naiwang isyu pagkatapos ng WWII at responsableng gawain para sa mga mamamayang Hapones.