Pagkaraang ilabas kahapon ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon ang pahayag kaugnay ng ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng Ikalawang Pandaigdig na Digmaan, agaran itong kinondena ng iba't ibang sirkulo ng Hapon.
Sinabi kagabi ni Tomiichi Murayama, dating Punong Ministro ng Hapon, na pinagtakpan ni Abe ang mga masusing isyu. Aniya, hindi ipinaliwanag ni Abe kung bakit humingi ng paumanhin ang Hapon at kung anu-ano ang gagawin ng bansa sa hinaharap.
Ipinahayag naman ni Katsuya Okada, Pangulo ng Democratic Party, isang partidong oposisyon ng Hapon, na ang pagbanggit ni Abe ng "pagsisisi" at "paghingi ng paumanhin," sa pamamagitan ng pagsipi ng paninindigan ng mga nagdaang pamahalaan ay mahirap na kumakatawan sa kanyang sariling palagay.
Ipinalalagay naman ng mga karaniwang mamamayang Hapones na kung walang katapatan si Abe, walang saysay ang kanyang pahayag.
Sa isang may kinalamang ulat, negotibo rin ang opinyong publiko ng Timog Korea sa pahayag ni Abe. Sinabi ng mga artikulo ng Yonhap News Agency at pahayagang Chosun Ilbo ng T.Korea, na kulang sa katapatan si Abe at malabo ang kanyang pahayag. Anila, posible itong magresulta sa paglala pa ng kontradiksyon ng T.Korea at Hapon sa isyu ng kasaysayan.
Salin: Liu Kai