Inilabas kahapon ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon ang pahayag kaugnay ng ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng Ikalawang Pandaigdig na Digmaan.
Sa pahayag na ito, di-tuwirang binanggit ni Abe ang "pagsisisi" at "paghingi ng paumanhin", sa pamamagitan ng pagsariwa sa paninindigan ng mga nagdaang pamahalaan ng Hapon hinggil sa kasaysayan. Pagdating naman sa pananalakay at kolonyal na paghahari ng Hapon noong nakaraan, hindi rin direktang binanggit ni Abe ang hinggil dito, at sa halip, sinabi niya, sa pananaw ng ikatlong panig, na ang paggamit ng dahas at paggamit nito bilang banta ay hindi dapat maging paraan ng paglutas sa hidwaang pandaigdig, at hindi dapat umiral sa daigdig ang kolonyal na paghahari. Sinabi rin ni Abe na sa hinaharap, hindi kailangang patuloy na humingi ng paumanhin ang Hapon kaugnay ng digmaang mapanalakay. Dahil aniya, ang mga mamamayang Hapones na isinilang pagkaraan ng digmaan at kanilang susunod na hene-henerasyon ay walang kinalaman sa digmaang ito, at hindi dapat magkaroon sila ng kapalaran ng paghingi ng paumanhin.
Salin: Liu Kai