IMINUNGKAHI ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas sa mga kumpanya ng bus na dalhin ang kanilang mga kawani upang sumailalim sa drug tests. Ito ang kanilang ginawa matapos sumalpok ang isang bus na ikinasawi ng apat katao at pagkakasugat ng 18 iba pa (kamakailan).
Sa pahayag na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director general Arturo Cacdac, Jr. na umaasa siyang mababantayan ng mga tao sa industriya ang kanilang mga tauhan at ipasuri ang kanilang mga tauhan sa mga dalubhasa upang mabatid kung may mga elemento ng bawal na gamot sa kanilang mga katawan.
Hindi na kailangang magkaroon pa ng dagdag na sakuna sa pamamagitan ng mga tsuper na lango sa ilegal na droga. Ginawa ni Cacdac ang panawagan matapos mabunyag na positibo sa methamphetamin hydrochloride o shabu kasunod ng sakuna noong Miyerkoles sa Quirino Highway sa Quezon City.
Sinabi ni George Pacis, nawalan siya ng kontrol sa bus na naging dahilan ng pagbangga sa konkretong arko sa hangganan ng Quezon at Caloocan cities. Tumakas siya matapos ang sakuna at nadakip lamang ng pulis ilang oras matapos ang insidente.