|
||||||||
|
||
Inilagay ng mga mamamayan ang mga bulaklak sa pinangyarihan ng pagsabog bilang pakikidalamhati sa mga nabiktima
Ipinahayag naman ngayong araw ni Tagapagsalita Charles Jose ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, na hindi pa nakukumpirma ang impormasyon hinggil sa isang Pilipinong di-umano'y nasawi sa naturang insidente. Ipinayo rin niya sa mga Pilipino sa Bangkok na iwasan ang pagpunta sa mga lugar na marami ang tao.
Samantala, ipinahayag kahapon ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand, na sa pamamagitan ng video footage ng closed-circuit Television, natuklasan ng awtoridad ang isang lalaking pinaghihinalaang maykagagawan ng pambobombang ito. Sa kasalukuyan, isinasagawa ng mga awtoridad ang paghahanap sa kanya.
Nakidalamhati ang mga mamamayan sa mga nabiktima sa pagsabog
Pagkaraang maganap ang naturang insidente sa Bangkok, nagpahayag ng pagkondena ang United Nations, at maraming bansa gaya ng Tsina, Amerika, Rusya, Pransya, Singapore, Malaysia, at iba pa. Tinawag nila ang insidenteng ito na marahas na aksyon, at ipinahayag din ang pakikiramay sa mga nabiktima.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |