Naganap kagabi ang pambobomba sa paligid ng Erawan Shrinena, kilalang tourist spot sa Thailand na ikinamatay ng 22 tao at ikinasugat ng 117 iba pa. Ayon sa Thai Police, ang nakararaming nasugatan ay mga mamamayang dayuhan at sa mga namatay, mayroon apat na mamamayang Tsino, sampung mamamayang Thai at isang kinukumpirma pang biktimang Pilipino.
Kasalukuyang tinitiyak ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ang ulat hinggil sa kalagayan ng naturang Pilipino.
Mahigpit na kinondena ngayong araw ni Prayut Chan-o-cha, Punong Ministro ng Thailand ang pagsabog. Ipinahayag niyang ang nasabing pambobomba na naganap sa kilalang lugar na panrelihiyon ay pinakagrabeng pagsalakay na naganap sa Thailand.
Hanggang sa kasalukuyan, walang alinmang organisasyon o indibiduwal ang nagpatalastas na siyang may pananagutan. Pero, ayon kay Prawit Wongsuwan, Pangalawang PM at Ministrong Pandepensa ng Thailand, TNT ang gamit na pampasabog at ang nasabing pagsabog ay nakatuon sa mga mamamayang dayuhan na naglalayong makapinsala sa industriyang panturista at pangkabuhayan ng Thailand.