Ipinahayag kahapon ni Shen Danyang, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, ang pagtutol sa ulat ng Western media na nagsasabing ang pakikipagtulungan ng Tsina sa ibang bansa sa kakayahan sa produksyon ay nagdudulot ng presyur sa kabuhayang pandaigdig.
Ipinagdiinan ni Shen na ang hinihikayat ng pamahalaang Tsino ay ang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan at hindi ito masasabing simpleng paglilipat ng Tsina ng kakayahan sa produksyon nito sa labas.
Idinagdag pa niyang sa proseso ng pagpapasulong ng pagtutulungan ng iba't ibang bansa sa kakayahan ng produksyon, laging nananawagan ang Tsina sa pananangan sa alituntuning pampamilihan, regulasyong panloob at pandaigdig para maisakatuparan ang komong kaunlaran.
Salin: Jade