Nakahanda ang Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na ibayo pang palakasin ang mga kooperatibong proyektong pandagat para masamantala ang pagkakataong dulot ng magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative at taunang China-ASEAN Expo (CAEXPO) na ginaganap sa Guangxi, lalawigan sa timog-kanluran ng Tsina.
Winika ito ni Chen Lianzeng, Pangalawang Puno ng State Oceanic Administration ng Tsina sa eksklusibong panayam sa Xinhua, opisyal na ahensiya sa pagbabalita ng Tsina kaugnay ng CAEXPO.
Binalik-tanaw rin ni Chen ang mga natamong bunga ng Tsina at mga bansang ASEAN sa pagtutulungang pandagat sapul nang ipatupad nila ang Balangkas ng Pagtutulungan ng mga Bansa sa Paligid ng South China Sea (2011-2015). Kabilang sa mga ito ang pagharap sa pagbabago ng klima sa karagatan, pangangalaga sa kapaligirang pandagat, pananaliksik sa sistemang ekolohikal na pandagat, pagliligtas sa kapahamakang pandagat, pangangasiwa sa karagatan at iba pa.
Salin: Jade